Saturday, June 2, 2012

A Battle Between Me & Myself

“What’s with that starfish?”— I asked one of the alumni. “It’s our commitment to the community, a simple way of making difference” he said.
It started by thinking how ‘simple things’ can really make a difference. I used to do things as great as possible. I wanted to be unique on my own. And I came up to a conclusion that I can also be part of this starfish throwing activity with them—but in my own way again.
Three years ago, I was eyeing Ayala Young Leaders Congress because of its prestige. It was an impossible thing then but I know by exposing myself in the community, it can progress me—and that’s the easy thing I said, to get involved in community service and holding key positions in an organization.
                                                     
Then I started it gradually. Through time, I experienced several changes in my life and principle. The passion was intensified, the sacrifices were crucial, the realizations got into my mind unorganized—unbalanced lifestyle.
I had several key positions in different organizations; I had experienced trainings and seminars; I thought I was an excellent leader then that I can handle an organization alone with my knowledge, but I was wrong. I thought of leadership as a battle between leaders showing how excellent they are in every projects and prestigious leadership search they got.
Step by step, I understand what leadership really means. While we are growing, our ideas also broaden. So we are going beyond what basics and fundamentals are. There were many principles sprouted as I track this passion, but systematically having a framework of this, could lead us clearly what is it. I got so many ideas but the very essence of leadership aside from influencing positively is the value of its calling and the innate passion that warms me every time I do something even if it’s simple.
I was still developing myself to become an effective leader until I reached the point of applying to AYLC. I didn’t notice how time passed by that I was into AYLC then. I passed it until the final screening having what I’ve learned from my community and leadership life. Who could imagine that this nobody man understanding leadership as a title as his starting idea can pass through the screenings of his leadership tests and hereby gone through AYLC?
“Maybe they saw something in me, something that can change the paradigm to win hearts and minds, something as prestigious as any leadership award and title that makes us up to temporal aims, and something that I should find and share to the world.”
Just even before the congress, one of the unique programs was the adopt-a-delegate where we met alumni. We’ve got to know what kind of alumni AYLA have. How they achieved where they are now and how they live their lives after the congress and it’s such a privilege to be imparting us their precautions and pre-congress realizations.
During the congress, I just observed my fellow youth leaders. I was indeed intimidated of their excellence that I even forgot where I should be focussing. I was distracted at first. I was out of the line again. But I did get back to where I should be and just showed what I’ve got and who I am.
Indeed, there were several thoughts and realizations as everyone expected. Plus, the freebies and the unlimited ice cream drama. The wantusawa best feeding program in the world and the puyatan drama of the league of Quack! Quack! Convenors (you know what I mean with the quack quack).
I am called to change the paradigms. I am called to win hearts and minds. I am called to share what I’ve got and get aided. I can’t believe that I am now an alumnus of AYLC, we thought it concluded after departing the training centre, but it was just indeed a commencement.
A four-day of challenging and exuberant activities—listening, sharing, and involving myself were actually life changing but what’s important are the challenges that are waiting ahead of us, the challenges that we’ll be going to face and fight with. “This, indeed, is the true battle in leadership, a battle between me and myself— defeating the barriers of responding to the call to make a significant difference and have the courage plus initiative to change the paradigm”
I am Kevin Vidar aware with the vision as steward to serve my community. I fight with the barriers of answering the call and I live to love and to lead  individuals.
After AYLC?I can now see starfishes ahead of me— I will throw them back to the sea step by step.
Yes, I am not Superman, but just an Ayala Young Leader that will serve you all the way!

A Lifetime Habit... (Mang Santos)

Kaliitang matanda, nakapasumbrero ngunit panot, iisa ang ngipin sa itaas, kaitiman at hukot na tila ba nakadikit na ang baba sa leeg.

Kamakailan ay nakita ko lamang siya sa isang lansangan na parte ng aming lungsod, dangan kasi'y may kumakalat na balita na yumao na raw ito dahil sa tindi ng init dito sa aming lugar. Papadyak-padyak sa singtanda na niyang tatlong gulong na bisekleta at nagbabahay bahay upang bumili ng mga bote at bakal dala pa ang bag na lalagyan ng pera na nakasabit sa kanyang tagiliran. Ganunpaman, minsan nga iniisip ko pa, "Di'bat bata pa lamang ako ay ganito na ang sistema ng kaniyang pamumuhay?"

Magtataka dahil sa araw-araw na lamang na ginawa ng Diyos ay ganito na ang paulit-ulit na ginagawa niya. Naaalala ko pa nga na noong bata pa kami ay may kasama pa sa traybayk niyang itinitindang "ice drops" na tig apat na piso at kami naman ay nag-iipon ng mga bote at bakal na maaari nang ipagbili at kung mamalasin ay 75 sentimo lamang ang halaga na hindi pa sasapat pambili ng sorbetes na aking tinutukoy. Mukayain mo, sa sampung bote ng "bilog" na mahahanap ko ay tatlong piso lang ang halaga noong mga panahon na iyon na ibibigay niya sa amin. Manghihingi ako ng kulang sa aking lola at kapag hindi ako binigyan, tiyak na "epic fail". Ngunit sa kabutihang palad ng mamang nakasakay sa bisikleta ay di niya ipagdadamot ang sorbetes na sa amiy nagpapasaya.

"Maraming salamat Mang Santos."

"Owu, walang anuman yon."

Basta ang naiisip ko kapag nakikita ko siya, kung siguro ang lahat ng tao kagaya niya, baka malamang hindi ganito kahirap ang bansang Pilipinas. Sa kabila ng kawalang-hiyaan ng ilang mga pulitiko ay patuloy pa rin ang pagkayod ng isang Juan dela Cruz sa kahit ano pa mang hanap-buhay na marangal. Kahit na bilad sa katirikan ng araw at panay pa ang pagpadyak sa traybayk na puno ng mga bote at bakal...ang mahalaga ay nakakakain sa tatlong araw ang kanyang pamilya.

Kung isa ako ako sa pamunuan ng CNN, malamang ay napili na rin siyang CNN Hero of the Year kasi nama'y simula yata ng ipinanganak ako hanggang ngayon ay puro sa pagpadyak ng traybayk at pamimili ng bote bakal ang ikinabubuhay niya umulan man o umaraw... Napabuntong hininga na lamang ako nang makita ko siya minsan na nakakapoteng luma at inaayos ang kadena ng kanyang bisekleta sa lakas ng ulan. CNN hero para sa akin dahil ayon sa aking lolo na kaibigan ni Mang Santos, nakapagpatapos na siya sa kolehiyo ng kanyang mga anak.

Nakahahanga ang mga ganitong kuwento. Isang magulang na nakapagpatapos ng kanyang anak sa pamamagitan lamang ng pagbobote-bakal. MARANGAL. Samantala, may ilan na SOBRANG YAMAN na nga, WALA pang DANGAL.

Naalarma ako nang mabalitaan kong siya'y pumanaw na isang katanghalian (nang maitala ang pinakamainit na temperatura sa bansa dito sa Kabanatuan). Hindi pa pala. Nang makita ko kasi siya'y akala ko ay minumulto na lamang ako ng magiting kong kabaro.

"Uyy Mang Santos, akala nami'y may nangyari sa'yo..."

"Ahe, oo nga... ey hindi pa pala e nakalista pangalan ko kay San Pedro..."

"Mabuti naman po... Bakit hindi pa ho kayo tumigil sa pagbili ng bote bakal?"

"Naku eh, dito kami nabuhay, dito ako nabubuhay, at dito na rin yata ako mamamatay talaga..haha."

Iyang mga huling salita na yan ang sa aki'y nagpakilabot. Bagamat buwis buhay, handa siyang magtrabaho at maghanapbuhay para sa sarili niya sapagkat nasa ibang bansa na lahat ng kanyang napagtapos na anak at mag-isa na lamang siya dito bansa.

Mga ilang bagay na nagpatanto sa akin na di dapat alintana ang porma ng hanapbuhay ng isang tao basta marangal at kung minsan ang palagian na nating gawain sa tuwina ay nagiging bahagi na ng ating buhay lalo pa't ito ang nagbibigay sa atin ng kasiyahan...

"I must say, once you have tried something that changed your life... This sometimes, become a lifetime habit..."

 ###

Lungsod ng Kabanatuan


Sa tuwing sasapit ang bukang liwayway dito sa nayon namin ay hitik sa lamig ang buong paligid sanhi ng halumigmig ng hangin at bukiring nababalutan ng maputing hamog kasabay ang pagsulpot ng haring araw. Sa tuwina ay maiisip kong isa ito sa mga hahanap-hanapin ko dito sa aming nayon.
Madalas akong matanong sa lugar na aking pinagmulan at sa kapagdakang sagot ay tila ba nangangapa sila kung saang parte ng Pilipinas ang aking sinasabi— dangan kasi’y hindi sikat kamukha ng ilang bayan na lagi nang naisapapatalastas bilang panghikayat sa turismo ng bansa.
Kung minsan ay nalulungkot na lamang ako sa ganitong uri ng kaalaman mayroon ang mga taga-ibang lugar sa aking mahal na bayan. Mayroon pa nga na sinasabing “Ah, iyon bang Kabanatuan? Di’ba sobrang init roon at sadyang kayrumi?”
Naisip ko tuloy na sisihin ang kapalaran at heograpiya kung bakit sa lugar na ito inilagay ang bayang ito. Subalit malamang ay may plano ang Panginoon para sa bayang ito na subok na ng panahon.
Marami pang basehan ang katanyagan ng isang bayan, ilan din rito ay ang mga taong pabuloso at sikat and personalidad. Sa usaping ito ay maaaring di gaanong karamihan ang aming bayan. “Naku, talaga naming wala gaanong maipagmamalaki sa aming lugar…” iyan malamang ang sinasabi ng iba.
“Walang lugar pasyalan, walang personalidad na nakatira, at di kilala.”
Sa kabila ng lahat ay babalik ako sa kapalarang bigay ng Diyos sa bayang ito. Marapat lang na pasalamatan na isa ito sa pangunahing tagapag-angkat ng palay, isa sa sentro ng mga kalakalan sa  Gitnang Luzon, Makasaysayan at ang katotohanang dito ako pinanganak, nabuhay, at nagkamalay. ANG KABANATUAN AY PARA SA KABANTUENYO… Walang ibang magmamahal dito kung hindi ako at lahat ng Kabanatuwenyo.
At sa bandang huli ay maaalala ko ang bukang liwayway kasabay ang halumigmig ng klima sa umaga kasama ang mga mahal ko sa buhay sa lugar kung saan ako isinilang at nagkamalay…Kabanatuan.